TEKSTONG IMPORMATIBO
" Iba't ibang Epekto ng Teknolohiya " ni Liezel Mugas Gonzaga (XI GAS)
Teknolohiya, ano ang mga epekto nito sa atin? Sa ibang tao? At sa mga taong hindi na kayang mabuhay kung wala ang mga kagamitan ng teknolohiya. Ang tekstong ito'y naglalaman ng iba't ibang epekto ng teknolohiya sa ating buhay kung paano nabago ang ating buhay ng dahil lamang sa teknolohiyang ito at kung paano naorganisa ang iba't ibang uri ng teknolohiya maging sa mga applikasyon nito.
Ang teknolohiya ay isang sistematikong kaalaman sa sining ng industriya at napapadali ang mga gawain ng isang tao. Nangangahulugang na ito'y isang kaalaman na maililipat mo sa makinarya o anumang bagay na nagagamitan ng kuryente. Mas malaking porsyento ang napapakinabangan ang teknolohiya sa araw-araw na gawain ng tao. Nakatutulong din ito sa larangan ng edukasyon dahil napapadali lamang ang pagsasaliksik ng mag- aaral sa kompyuter kaysa maghanap sa mga libro.
Ayon kay Juan Dela Cruz sa kanyang Blog na Teknolohistang Pinoy, ang teknolohiya ay isang kagamitan na kung saan nasa saiyong mga kamaykung papaano ito gagamitin at paunlarin. Nailathala din nya ang mga posible at mga nangyari nang mga epekto sa kanyang blog ito ay ang mga sumusunod na epekto na nahahati sa dalawang parte: Ang Positibo at Negatibong Epekto. Sa Positibong epekto'y naglalaman ng: Pag unlad ng antas ng libangan na kung saan nakawawala ng stress at nakakaenganyo pang gamitin. Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan gaya nito ay ang mga CCTV na kung saan nagsisilbing ebidensya sa bawat krimeng nangyayari. Ikatlo ay Global Networking na kung saan dito napag uusapan ang pakikipagkalakalan hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo. Sa ikalima at ika anim na epekto naman ay, Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan na komunikasyon gamit ang teknolohiya at Mas makakamura sa ibang paraan, na aking nakapahulugan na ang tinatawag na Social Medias gaya ng facebook, twitter, at anu pa mang bagay na magagamit sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao, at mas nakatitipid pang gamitin kahit saang lugar.
Sa negatibong epekto naman ay nahahati sa anim na magiging gabay at babala sa paggamit ng teknolohiya. Una, nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao na magiging sanhi ng pag iisip ng hindi tama. Ikalawa, ay Maaring gamitin sa karahasan na magiging sanhi ng paggawa ng krimen buhat sa paggamit ng teknolohiya. Ikatlo naman ay technicismna nakapahulugang pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya. Ikaapat ay Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaring humantong sa mali-maling sitwasyon. At ang pang huli ay ang teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access na maaring makasira o makaapekto sa pag- aaral ng kabataan gaya nito ay DOTA at COC.
Kung pagsama- samahin ang mga epekto ng teknolohiya, mayroong itong mabuti atmasamang epekto ang teknolohiya dahil sa marami sa kagamitan ng teknolohiya ay malaki ang kapakinabangan sa lipunan, at higit sa lahat nakatutulong ito ng malaki sa pag- aaral ng mga mag - aaral. Kung merong mabuti siyempre meron ding itong masamang epekto nito dahil natututo ang tao na maging tamad sa kanilang gawain.
Comments
Post a Comment