HALIMBAWA NG TEKSTONG NARATIBO ni Liezel Mugas Gonzaga

 Maikling kwento tekstong NARATIBO



ANG BATANG PALAGING WALA SA KLASI


Ang batang si Juan Franciso ay anak ng mayamang mag-asawa. Pagmamay-ari ng ama niya ang pinaka-malaking hacienda sa baryo nila. Isa namang simpleng maybahay ang ina niya, hindi na nito kailangang magtrabaho sa dami ng pera nila.


Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa, kampante si Juan na hinding-hindi na siya mamumulubi hanggang sa pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit tamad siya mag-aral.


“Hindi ko naman kailangan gumradweyt, e, hindi ko na nga kailangan mag-aral sa dami ng pera niyo ni daddy,” palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.


Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila upang kamustahin kung bakit wala siya sa klase.


“Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo nino man,” sabi ng ina ni Juan pagka-alis ng guro niya.


Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataong pinuntahan siya ng guro niya sa bahay nila. Ngunit, talagang tamad si Juan. Mas gugustuhin pa niyang lumiban sa klase at maglaro sa kompyuter or mamasyal kasama ang barkada.


Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si Juan at kaibigan niyang si Pedro sa kwarto niya, may narinig siyang isang malakas na sigaw ng ina niya.


“Juan! Juan! Ang daddy mo,” sabi ng ina ng batang tamad mag-aral.


Inatake sa puso ang ama ni Juan. Sinundan ito ng iba’t ibang komplikasyon. Halos dalawang buwan na nakaratay ang daddy niya sa ospital bago ito pumanaw. Pati yung hacienda na pagmamay-ari nila ay naibenta pambayad sa gastusin sa ospital.


“Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong lumipat ng eskwelahan. Hindi na natin kakayanin yung bayarin sa pribadong paaralan diyan sa baryo,” malungkot ng sabi ng ina ni Juan sa kanya.


Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon na kinailangan ni Juan na pumunta sa paaralan na walang laman ang tiyan o ang bulsa niya. Doon niya napagtanto na kung sana e nag-aral siya ng mabuti eh gradweyt na siya sa kolehiyo at makakatulong na sa ina niya.



Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at ang mga kasing-edad niya naman ay nagtatrabaho na. Labis ang panghihinayang ni Juan sa mga nasayang na panahon ngunit wala na siyang magagawa.



“Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang pag-aaral ko, ‘di sana hindi na nahihirapan si Mama maglabada,” ang pagsisisi na laging bumubungad sa kanya sa tuwing makikita ang ina na hirap na hirap makakain lang sila.


Comments

Popular posts from this blog

A Close Analysis of Ramayana Using Biographical Context

“The importance of Social Science theories And its application to the different societal problems” POSITION PAPER

BEAUTY (Biographical, Socio-cultural and Linguistic)