HALIMBAWA NG TEKSTONG NARATIBO ni Liezel Mugas Gonzaga
Maikling kwento tekstong NARATIBO ANG BATANG PALAGING WALA SA KLASI Ang batang si Juan Franciso ay anak ng mayamang mag-asawa. Pagmamay-ari ng ama niya ang pinaka-malaking hacienda sa baryo nila. Isa namang simpleng maybahay ang ina niya, hindi na nito kailangang magtrabaho sa dami ng pera nila. Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa, kampante si Juan na hinding-hindi na siya mamumulubi hanggang sa pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit tamad siya mag-aral. “Hindi ko naman kailangan gumradweyt, e, hindi ko na nga kailangan mag-aral sa dami ng pera niyo ni daddy,” palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya. Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila upang kamustahin kung bakit wala siya sa klase. “Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo nino man,” sabi ng ina ni Juan pagka-alis ng guro niya. Hindi na mab...